^

Metro

50 sentimos pang rollback sa petrolyo

-

MANILA, Philippines - Magkakasabay na nagpairal ng 50 sentimos na roll­back sa presyo ng kanilang produktong diesel at kero­sene ang ilang independent players at small oil players matapos na magpatupad ang Big 3 sa kanilang mga produkto.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:01 ng madaling-araw nang magpatupad ng 50 sentimos na rollback ang Pili­pinas Shell, Petron at Chevron (dating Caltex). Sinundan naman ito ng Total at Unioil Petroleum Philippines Inc. ganap na alas-6 ng umaga. Bumaba din ng 50 sentimos kada litro ng diesel ang PTT Philippines.

Mula Enero ay umabot na sa P6 pesos ang rollback ng diesel habang P6.50 naman sa kerosene. Nagpa­hayag din ng rollback sa kanilang produktong kerosene ang kompanyang Seaoil. Inaasahan namang susunod din ang iba pang undependent at small player sa naging hakbangin ng ilang oil componies.

Wala namang naiulat na mayroon planong pagro-rollback sa presyo ng gasoline ang iba pang oil com­panies. Matatandaan na ilang beses nang nagpairal ng rollback sa presyo ng diesel at kerosene ang mga kum­panya ng langis subalit ang presyo ng gasoline ay nananatili sa kanyang dating presyo. (Ricky Tulipat at Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

BUMABA

CALTEX

INAASAHAN

MAGKAKASABAY

MATATANDAAN

MULA ENERO

RICKY TULIPAT

ROSE TAMAYO-TESORO

UNIOIL PETROLEUM PHILIPPINES INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with