^

Metro

Gumamit ng protocol plate ni Speaker Nograles, timbog

-

MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga operatiba ng PNP-High­way Patrol Group (PNP-HPG) ang isang bogus na la­laking gumagamit ng protocol license plate ni House Speaker Prospero Nograles sa isina­ga­wang operasyon sa Sucat, Parañaque City ka­ha­pon ng umaga.Kinilala ni PNP-HPG Director Chief Supt. Orlando Mabutas ang nasakote na si Luis Lozano.

Ayon kay Mabutas si Lozano, isang emple­yado ay naaresto habang minamaneho ang kan­yang Mazda 3 gamit ang protocol license plate no. 4 sa bisinidad ng Merville Subdivision, Sucat, Parañaque City bandang alas-8:30 ng umaga.

Sinabi ni Mabutas na ang nasabing plaka ay awtorisado lamang na gamitin ng House Speaker at hindi ng mga ordinaryong sibilyan tulad ni Lozano. Isinagawa ng PNP-HPG ang operasyon matapos na magreklamo mismo si Nograles hing­gil sa nakita nitong isang Mazda 3 at isang Toyota Vios na gumagamit ng kanyang plaka na walang awtorisasyon noong Pebrero 18   ng taong ito sa isang lugar sa Metro Manila.

Bukod dito, mismong malalapit na kaibigan ni Nograles ang maraming beses ring nakakita sa nasabing behikulo na inakala nilang ang sakay ay ang House Speaker subali’t isa lamang palang sibilyan. Hindi na nakapalag ang nasabing sus­pect matapos na damputin ng mga tauhan ng PNP-HPG at isailalim sa imbestigasyon.

Iginiit naman ni Lozano sa mga imbestigador na isang tinukoy lamang nitong Mr. Garcia na kaibigan umano mismo ng House Speaker ang nag­bigay sa kanya ng naturang plate number. Ginamit umano niya ang protocol license plate No. 4 upang walang maging abala sa trapiko at makalusot sa paninita ng mga law enforcers kapag lumalabas siya gamit ang sasakyan.

Nahaharap ngayon sa kasong usurpation of authority at unauthorized used of specific plate for government official ang nasakoteng suspect. (Joy Cantos)

vuukle comment

DIRECTOR CHIEF SUPT

HOUSE SPEAKER

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES

JOY CANTOS

LOZANO

LUIS LOZANO

MABUTAS

MAZDA

MERVILLE SUBDIVISION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with