^

Metro

Manggagantsong German national, timbog ng Bureau of Immigration

-

MANILA, Philippines - Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang German national na una nang inireklamo ng swindling at estafa. Si Robert Peter Fuessl, 49, ay naaresto sa Subic Freeport sa Olongapo City sa bisa ng mission order na inilabas ni BI Com­missioner Marcelino Libanan. 

Ayon kay BI Associate Commissioner Roy Almoro, si Fuessl ay inireklamo ng isang Jill Anunsacion matapos umano siyang ma­tangayan nito ng P650,000. Nang maaresto, natuklasan din na overstaying na sa bansa ang nasabing dayuhan at nagne­negosyo dito ng walang karampatang visa.

Mayroon ding mga kaso ng estafa na kinakaharap ang dayuhan sa piskalya sa Makati at Olongapo. Base sa reklamo ni Anunsacion, ipinakilala sa kanya si Fuessl ng asawa ng nasabing dayuhan noong 2006. Nag-loan umano ang mag-asawa sa kanya ng nagkakahalaga ng P650,000 gayunman bigo ang dayuhang bayaran ito hanggang sa ngayon.

Nag-isyu pa umano ang dayuhan ng mga postdated checks na nagsitalbugan lamang. 

Maliban sa nasabing reklamo isa pang Briton ang naghain din ng reklamo laban kay Fuessl, dahil sa pagkakaroon umano nito ng car import and sell business gayong isa lamang siyang turista sa bansa.   Gemma Amargo-Garcia)

ANUNSACION

ASSOCIATE COMMISSIONER ROY ALMORO

BUREAU OF IMMIGRATION

FUESSL

GEMMA AMARGO-GARCIA

JILL ANUNSACION

MARCELINO LIBANAN

OLONGAPO CITY

SI ROBERT PETER FUESSL

SUBIC FREEPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with