^

Metro

Quezon City jail handa na sa pamilya Garcia

-

MANILA, Philippines - Sa kabila ng siksikang mga bilanggo, handa pa rin umano ang Quezon City Jail na tang­gapin sina ret. Gen. Carlos Garcia at pamilya nito sa natu­rang kulungan sa oras na ma­pa­balik na ang mga ito sa bansa.

Sinabi ni Interior Undersec­retary for Public Safety Marius Corpus na may espasyo pa rin na ilalaan sa pamilya Garcia kung saan isasama ang mga ito sa selda ng mga bilanggo na medyo matitino at walang mga tattoo.

Inihayag ito ni Corpus dahil sa karaniwan umanong ipina­pa­dala sa QCJ ang mga akusado na nahaharap sa kaso sa San­diganbayan. Maaari lamang umanong maiwasan na madala sa QCJ ang pamilya Garcia kung magsusumite ang mga ito ng mosyon para mailipat sila sa ibang pasilidad habang dinidinig ang kanilang kaso sa korte.

Kabilang sa maaaring hilingin ng pamilya Garcia na paglilipatan sa kanila ang PNP Custodial Center sa loob ng Campo Crame o sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Nabatid na inaresto sa Estados Unidos ang asawa ni Garcia, dating pinuno ng Comptrollership ng Armed Forces of the Philippines, na si Clarita at mga anak na sina Timothy, Ian Carl at Juan Paolo. Inaresto sina Clarita at Timothy dahil sa kasong “plunder” habang dinakip naman sina Ian Carl at Juan Paolo dahil sa “bulk smuggling” ng US dollars.      

Tiniyak naman ni Corpus na walang ibibigay na “special treatment” sa pamilya Garcia sa oras na mapadala ang mga ito sa QCJ.   (Danilo Garcia)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CAMP BAGONG DIWA

CAMPO CRAME

CARLOS GARCIA

GARCIA

IAN CARL

JUAN PAOLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with