^

Metro

3 Intsik sangkot sa kidnap-for-ransom, timbog

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nabu­wag na ang isang kidnap-for-ransom syndicate matapos masakote  ng pinagsanib na puwersa ng   National Bureau of Investi­gation (NBI) at Intel­ligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang isang Filipino-Chinese na sina­sabing utak ng sindikato at dalawang ka­sabwat na Chinese na­tionals kasabay nang mata­gumpay na pagliligtas sa bik­tima sa Magalang, Pam­panga, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni NBI Director Nestor M. Mantaring  ang sina­sabing mastermind na si Michael A. Yung, 44, negos­yante at may-ari umano ng isang travel agency at resi­dente ng Soler St., Sta. Cruz, Maynila. Nadakip din ang dalawa pa nitong kasabwat sa sindikato na sina Shun Kuo Shi, 48, at Gong Feipeng, 37, kapwa Chinese national at nanunuluyan sa   T. Buban St., Binondo, Maynila.

Tinutugis pa ang iba pang miyembro ng grupo na kini­la­lang sina Wilson Ong, Jimmy Go, Siao Tan, Owa Sy at isang kilala lamang sa alyas na “Atong” at isang hindi pa kilalang lalaki.

Nailigtas naman sa na­sabing operasyon ang bikti­mang dinukot ng grupo na si Henry Sia, negosyante at resi­dente ng Tondo, Maynila .

Sa ulat ng NBI- National Capital Region (NCR) na pi­na­mumunuan ni Atty. Edward Villarta, humingi ng saklolo ang isang Benjamin Yu nitong Marso 3, kaugnay sa pag­dukot sa kanyang tiyuhing si Sia ng mga hindi nakilalang Chinese-looking na kalalaki­han, noong gabi ng Marso 2, 2009, sa T. Alonzo St., Sta. Cruz, Maynila at nanghihingi umano ang gru­po ng ransom na P15-milyon.

Sa reklamo, sinabi ni Yu na ang mga kidnaper ay sakay umano ng isang dark-colored Sedan , na may nakakabit pa umanong PNPA commemo­rative plate.

Nakipagnegosasyon uma­no ang sindikato sa pamama­gitan ng cellphone kung saan naging dahilan upang ma-trace ng awtoridad ang kinaro­roonan ng mga suspect at biktima.

Marso 4, nang tumulak ang mga operatiba ng NBI sa Ma­galang, Pampanga para isa­gawa ang surveillance kung saan natukoy na nasa isang abandonadong duck farm, sa Barangay San Isidro, Magalang ang grupo.

Sa  muling pakikipagne­go­sasyon, itinaas pa umano sa P20-milyon at binalaan ang pa­milya ng biktima na kung hindi maibibigay ang ransom sa pag­bubukas pa lamang ng mga bangko kinabukasan (Marso 5) at hindi susunod sa kanilang iuutos ay papatayin na lamang ang biktima. Hindi na pinagpa­bukas pa ng mga operatiba ng NBI at kaagad humingi ng as­sist­ance sa ISAFP at isinagawa ang rescue operation.

Nang mapasok na ang ‘lungga’ ng sindikato, pinapu­tukan umano sila ng suspect na si Gong at nagkahabulan hang­gang sa madakip na ito hawak ang homemade na kalibre .38 revolver.

Ang suspect naman na si Shun Kuo Shi, na nagba­bantay sa biktima ay nagkasa rin umano ng kalibre .45 pistola nang ma­ kita ang mga opera­tiba na pu­malag pa umano bago ma­aresto. Nang maisalba na ang biktima at bitbit ang dala­wang suspect ay tinungo nila ang San Francisco Hotel, sa Brgy. San Francisco, Magalang na doon naman nadakip si Yung.

ALONZO ST.

BARANGAY SAN ISIDRO

BENJAMIN YU

ISANG

MAGALANG

MARSO

MAYNILA

SHUN KUO SHI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with