2 snatcher timbog

MANILA, Philippines - Dalawang snatcher na menor de edad at kapwa solvent at rugby boys ang nadakip ng mga tauhan ng Manila Traffic Parking Bureau matapos mang-agaw ng hikaw ng isang 53-anyos na ginang kamakalawa ng umaga sa Carriedo, Sta.Cruz, Maynila.

Kinilala lang sa alyas na Ed, 14-anyos, at George, 12-anyos, ang mga suspek na ikinulong makaraang ireklamo ng biktimang si Angelita Guevarra ng Makati City.

Nabatid kay MTPB Chief Ric de Guzman na si Ed ay may iba pang kasong snatching din sa nasabing lugar. Dahil dito, pinadodoble niya ang pagbabantay at pagiging alerto ng kan­yang mga tauhan upang agad na marespondehan ang mga nangangailangan ng tulong. (Doris Franche)

Show comments