^

Metro

50 CCTV ikakalat sa QC

-

MANILA, Philippines - Maglalagay na ng 50-piraso ng Close Circuit Television Cameras (CCTV) ang lungsod ng Quezon sa ilang pangu­nahing lansangan na madalas pangyarihan ng mga krimen.

Sa report ni Quezon City Police District Director P/CSupt. Magtanggol Gat­dula kay Mayor Feliciano “Sonny” Belmonte, sa nga­yon ay 15 CCTVs na sa ilang bangko at business establishment sa Cubao, Timog Avenue at T. Morato ang naikabit nila dahil dito madalas magkaroon ng krimen.

Kasabay nito, sinabi ni QC-Business Permit and Licensing Office head Pacifico Maghacot na 2 sa 95 bangko lang ang di pa tumutupad sa kautusan ng paglalagay ng sariling CCTV.

Sa ganitong paraan ay maiiwasan umano ang paglaganap ng krimen at sa katunayan bumaba ng 21.81 % ang krimen sa lungsod sa buwan ng Pebrero.

Ang CCTV ay nagsi­silbing pantaboy umano sa mga kriminal.

Naghahanda na rin ang mga tauhan ng QCPD para sa darating na grad­uation day ng iba’t-ibang unibersidad at kolehiyo upang matiyak ang segu­ridad sa mga ito.

BELMONTE

BUSINESS PERMIT AND LICENSING OFFICE

CLOSE CIRCUIT TELEVISION CAMERAS

CUBAO

KASABAY

MAGTANGGOL GAT

MAYOR FELICIANO

PACIFICO MAGHACOT

QUEZON CITY POLICE DISTRICT DIRECTOR P

TIMOG AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with