^

Metro

Puganteng Kano timbog ng BI

-

MANILA, Philippines - Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Air­port (NAIA) ang isang pu­ganteng Amerikano na wanted sa isang bangko sa US ng mahigit sa $18 million.

Si Kevin Mitcehl Gore, 40, ay naaresto sa bisa ng mission order na inisyu ni Immigration Commis­sioner Marcelino LIbanan.

Naharang si Gore ng mga operatiba ng BI-NAIA sa NAIA 2 centennial air­port ilang minuto bago itong sumakay ng Philip­pine Air­lines patungong Hong­kong.

Nilinaw ni LIbanan na iniutos niya ang pag-aresto kay Gore matapos ipaalam ng US embassy sa Manila na nasa bansa ito upang magtago sa kanyang kaso mula sa bansang US at ang pagkansela ng US govern­ment sa pasaporte nito.

Nakatakda namang mag-isyu ang BI board of commissioner ng sum­mary deportation kasabay ng paglalagay sa immigra­tion blacklist ni Gore at hindi na ito maari pang pumasok sa PIlipinas dahil sa pagi­ging undesirable alien.

Sinabi naman ni Atty. Floro Balato Jr. spokes­man ng BI na si Gore ay wanted sa kasong bank fraud at matagal ng nasa wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI) matapos na magpa­labas ang Illinois court ng warrant of arrest. (Gemma Amargo-Garcia)

AMERIKANO

BUREAU OF IMMIGRATION

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

FLORO BALATO JR.

GEMMA AMARGO-GARCIA

IMMIGRATION COMMIS

MARCELINO

NAARESTO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIR

SHY

SI KEVIN MITCEHL GORE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with