^

Metro

Illegal recruiter arestado ng NBI

-

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga ahen­ te ng National Bureau of In­vestigation (NBI) ang isang babae na hinihina­lang illegal recruiter at umano’y nanloko sa 11 aplikante ng mahigit sa P1.5 million kapalit ng pekeng trabaho sa Canada.

Kinilala ni NBI Director Atty. Nestor Mantaring ang suspek na nahaharap nga­yon sa kasong paglabag sa Republic Act 8042 (Migrant Workers and Overseas Fili­pinos Act of 1995) at estafa, na si Nancy Leono, owner/manager ng Lacorte Kim­pura Travel Agency sa Ma­kati, ng 1515 Sto. Sepulcro St., PNR Mansion, Paco, Maynila.

Bigo naman ang mga awtoridad na madakip ang kasamahan ni Leono na si Melba Lamug, marketing staff ng Lacorte Kimpura Travel Agency, at residente ng Unit 20 #1815 Laong Laan St. corner Prudencio St., Sampaloc, Maynila.

Si Leono ay naaresto sa kanyang bahay sa isang entrapment opera­tion na isinagawa ng mga tauhan ng NBI Anti-Human Traf­ficking Division (AHTRAD) noong Miyerkules ng hapon, at kasalukuyang pinipigil sa NBI main office sa Maynila.

Lumalabas sa imbesti­gas­yon ni Senior agent Jose Theron Valencia na nag-aplay ng trabaho bilang nurse, caregiver at hotel receptionist sa Ca­nada ang mga com­plainant, na hiningian naman umano ng mga sus­pek ng P1,523,950 para sa processing fees at placement fees.

Sa kabila nang pagba­bayad ng mga complainant ng nasabing halaga ay bigo umano ang mga sus­pek na bigyan sila ng tra­baho sa nasabing bansa. Hindi na rin naibalik ng mga suspek ang pera ng mga biktima na kaagad na humingi ng tulong sa NBI.

Nang beripikahin sa POEA, lumilitaw na hindi awtorisado ang dalawa na mag-recruit ng mga mang­gagawa upang magtraba­ho sa ibayong dagat.

Nagkataon naman uma­ no na kinontak ni Leono ang mga com­plainant at sinabihan ang mga ito na magkita sila sa kanyang tahanan noong Marso 4, dakong 2:00 ng hapon, upang humingi pa ng karagdagang tig-P6,600 mula sa mga ito bilang travel tax. Dito na isinagawa ng mga awto­ridad ang pagdakip sa sus­pek sa isang entrapment. (Gemma Amargo-Garcia)

ANTI-HUMAN TRAF

DIRECTOR ATTY

GEMMA AMARGO-GARCIA

JOSE THERON VALENCIA

LACORTE KIM

LACORTE KIMPURA TRAVEL AGENCY

LAONG LAAN ST.

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with