Riding-in-tandem namaril sa QC: 1 patay, 3 sugatan

MANILA, Philippines - Isa ang namatay ha­bang tatlo ang nasugatan nang pagbabarilin ang mga ito ng dalawang la­laki na riding-in-tandem sa Quezon City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ronnie Preclaro, 22, may-asawa, laborer at nakatira sa #32 Katuparan St., Brgy. Com­­monwealth, QC.

Si Preclaro ay bina­wian ng buhay habang ginagamot sa FEU Ge­neral Hospital dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Sugatan naman ma­tapos tamaan ng ligaw na bala ang mga  kapit­bahay na sina Leonard Bautista, 12, bunsong ka­patid na si Meynard Bautista, 11 at si Lola Carmina Lagitao, 60.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police Dis­trict-Criminal Investiga­tion and Detection Unit (QCPD-CIDU ) bandang alas-10 ng gabi sa may Katuparan st. nabanggit na barangay ay nagla­lakad umano ang biktima nang bigla na lamang su­mulpot  ang dalawang arma­dong lalaki na mag­ka­­angkas sa hindi na­plaka­hang motorsiklo at pinagbabaril ang una.

Tinamaan naman ng ligaw na bala ang tatlong residente. Tumakas ang mga suspek matapos ang krimen. Isang follow-up ope­ration na ang inilatag ng pulisya laban sa mga salarin.

Show comments