^

Metro

Police colonel sinibak sa 'kotong'

-

MANILA, Philippines - Dahil sa robbery extortion at iba pang kasong kinasasangkutan bunga ng umano’y pangingikil sa isang Korean national, sinibak kahapon sa pwesto ang isang mataas na opisyal ng Pasay City Police kasabay ng pagsasampa dito ng kasong administratibo.

Nabatid na dahil sa mga kasong illegal arrest, arbitrary detention, at robbery-extortion, sinibak na sa pwesto ni SPD Director Sr. Supt. Jaime Calunsod si Supt. Eduardo Untalan, deputy chief for admi­nis­tration ng Pasay City Police.

Napag-alaman na nag-ugat ang pag­ka­kasibak kay Untalan matapos na sam­pa­­han ito ng kaukulang reklamo ng Korean Embassy sa umano’y iligal na pag-aresto at sa pangingikil nito sa isang Korean national na kinilala sa pangalang Kim Il Sun noong nakalipas na linggo sa Pasay City.

Nabatid na mismong si Calunsod ang nag-utos sa pagsibak kay Untalan ma­tapos mapatunayan ang reklamo na umano’y inaresto ng grupo ng naturang opisyal ang dayuhan at ilang oras na ipiniit hanggang sa umano’y mapilitan ang huli na maglabas ng tinatayang P100,000 kapalit ng kalayaan nito.

Nilinaw naman ni Calunsod na “admi­nistrative relief” ang ipinataw niya kay Untalan upang masigurong hindi nito mai­impluwensiyahan ang isasagawang imbesti­gasyon sa insidente.

Bunga nito, nagbabala naman si Ca­lunsod sa mga pulis sa kanyang kinasa­sakupan na tumino dahil hindi aniya siya mangingiming sibakin sa pwesto ang sinumang masasangkot sa katiwalian gaya ng ginawa niya kay Untalan. (Rose Tamayo-Tesoro)

CALUNSOD

DIRECTOR SR. SUPT

EDUARDO UNTALAN

JAIME CALUNSOD

KIM IL SUN

KOREAN EMBASSY

NABATID

PASAY CITY POLICE

SHY

UNTALAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with