^

Metro

Salpukan ng 2 motorsiklo: 2 patay

-

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang na­sawi matapos na aksi­ den­teng magsalpukan ang kanilang mga sina­sak­yang motorsiklo sa isang ma­dilim na lugar kahapon ng madaling-araw sa lungsod Ca­loocan.

Kapwa hindi umabot ng buhay sa San Lazaro Hos­pital sanhi ng mga tina­mong pinsala sa katawan at ulo sina Junel Balaja­monde, 15; at Ronnel Villa­lobos, 23.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang in­sidente dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa ka­ habaan ng Bagum­ bong Road ng naturang lungsod.

Nabatid, magkasa­lu­bong na tinatahak ng mga biktima ang naturang lugar sakay ng kanilang mga motorsiklo na parehong walang plaka nang bigla na lamang magsalpukan ang mga ito.

Ayon pa sa ulat, hindi gumagana ang headlight ni Villalobos kaya’t hindi ito napansin ng isa pang bik­tima dahil sa labis na dilim sa naturang lugar na nag­resulta ng pagkaka­ bang­gaan ng mga ito.

Dahil sa lakas ng bang­­ gaan ay kapwa tumi­lapon ang dalawang bik­tima na parehong walang suot na helmet na nag­resulta ng pagkakapinsala ng ka­nilang ulo at kata­wan. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BAGUM

DAHIL

DALAWA

JUNEL BALAJA

KAPWA

LORDETH BONILLA

RONNEL VILLA

SAN LAZARO HOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with