^

Metro

P11 pang rollback sa LPG, ikinasa

- Nina Rose Tamayo-Tesoro At Ricky Tulipat -

MANILA, Philippines - Muli na namang nag­pa­tupad ngayong araw (Sabado) ng P1 price re­ duction sa kada-kilo o P11 sa kada-11 kg tang­ke ng liquefied petro­leum gas (LPG) ang mga in­de­pendent dealers ng natu­rang produkto.

Ayon kay Arnel Ty, pre­sidente ng Liquefied Pet­roleum Gas Mar­keteers Association (LPGMA), ang naturang panibagong rollback sa kanilang LPG ay bunga na rin ng patuloy na pag­baba ng presyo nito sa world market.

Dagdag pa ni Ty, dahil sa naturang panibagong price adjustment, simula ngayong araw ay aabot na lamang sa P467 ang presyo ng bawat-11 kg tangke ng LPG.

Una nito, noong naka­raang Miyerkules ay P1 sa kada-kilo rin ng ka­nilang LPG ang una ng ipinatupad na rollback ng LPGMA.

Umaasa naman si Ty na ilalabas na ng ilan pang dealers ang ka­nilang mga itinatagong stocks ng LPG dahil kung hindi ay tiyak na malulugi ang mga ito dahil pababa na ang presyo at benta­han ng nasabing cooking gas.

ARNEL TY

AYON

DAGDAG

GAS MAR

LIQUEFIED PET

MIYERKULES

MULI

SABADO

SHY

TY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with