^

Metro

2 parak idinadawit sa kidnap, sumuko

-

MANILA, Philippines - Sumuko sa pulisya ang dalawa sa anim na mga pulis na isinasangkot sa pagdukot   sa Medal of Valor awardee na pulis na napabalitang nawawala noon pang Pebrero 25, ng ka­sa­­lukuyang taon.

Ayon kay Taguig Police chief, Sr. Supt. Camilo Pan­cratius P. Cascolan, sina P01 Sukarno Adjud at Salid Wahid ay sumuko sa kanyang tang­gapan upang linisin ang ka­nilang mga pangalan hinggil sa sinasabing pagdukot at pang­ho-hostage kay P02 Jamaron S. Sandag, 32, miyembro ng Aviation Security Group (ASG).

Ayon kay P01 Adjud, kasa­lukuyan umano siyang nasa Las Piñas Police noong Feb­ruary 25 para mag-courtesy call sa kanyang mga superior para sa panibago niyang as­ ssign­ment sa nasabing him­pilan ng pulisya.

Samantala, si Wahid naman   na nang araw din na iniulat na dinukot si Sandag ay kararating lamang aniya sa Maynila galing Zamboanga del Norte upang i-follow-up ang kanyang mga papeles para sa posibleng pag­babalik niya sa serbisyo.

Sa kabila nito isinasailim pa rin hanggang kahapon sina Adjud at Wahid na dating miyembro ng Special Action Force (SAF) sa custodial inves­ti­gation ng pulisya.

Magugunita na si Sandag na isang Medal of Valor awardee ay noon pang Feb­ruary 25 iniulat na dinukot kung saan sinasangkot sina Adjud at Wahid kasama ng apat pang mga dating pulis sa nasabing insidente. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ADJUD

AVIATION SECURITY GROUP

AYON

CAMILO PAN

FEB

JAMARON S

LAS PI

MEDAL OF VALOR

SANDAG

SHY

WAHID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with