^

Metro

Mga maton o siga imomobilisa ng NCRPO

-

MANILA, Philippines - Upang maging kapaki-paki­na­bang sinimulan na kahapon ng National Capital Region Po­lice Office (NCRPO) ang pag­gamit sa mga binansagang siga-siga sa kanto para maka­tuwang sa pagpapanatili ng peace and order sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Ito ang inihayag kahapon ni NCRPO Chief Director Leo­poldo Bataoil alinsunod sa direk­tiba ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na gamitin ang mga siga sa peace and order para mapa­ kinabangan naman ang mga ito ng lipunan.

“We are now giving import­ance to this seemingly neg­lected siga-siga as members of our so­ciety. We give them recog­nition, we give them proper identifica­tion, we motivate them and then we give them responsibility, yun ang importante,” ani Bataoil.

Ayon kay Bataoil, inatasan na niya na pulungin ng bawat Chief of Police sa National Capital Re­gion ang mga siga sa kanilang mga hurisdiksyon at isailalim sa mga recovery program upang magbago ang pananaw ng mga ito sa buhay.

Ang mga siga-siga o mga tambay ay karaniwan nang nakiki­pagbasag-ulo sa mga kanto kung saan talamak ang mga ito sa Metro Manila lalo na sa mga malalapit sa mga squatters’ area.

Sa pamamagitan ng pag­pa­pahalaga para mapakinaba­ngan naman ang mga siga-siga, ayon pa sa NCRPO Chief ay ma-eenganyo o mahihikayat ang mga ito na siyang mamuno sa pagpapanatili ng kapaya­paan sa isang lugar kaakibat ng mga pulis.

Idinagdag ng opisyal na tu­tulungan ng NCRPO ang mga siga-siga na karaniwan na ring binabansagang mga maton tulad ng pagkakaloob sa mga ito ng kabuhayan, moral reco­very program at spiritural deve­lopment kung saan sasanayin ang mga ito ng mga pulis para mapakinabangan sa naturang programa .

Inamin din ni Bataoil na hindi naman kaagad agad na magi­ging perpekto ang organisas­yong itinatatag nila pero bahagi na rin aniya ito ng reporma upang mapalakas ang kanilang kampanya para maprotek­tahan ang mamamayan laban sa masasamang elemento na kalaban ng batas. (Joy Cantos)

BATAOIL

CHIEF DIRECTOR LEO

CHIEF OF POLICE

JOY CANTOS

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL RE

SHY

SIGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with