Nakahanda na umanong sumuko si Army Sgt. Elias Tial na bumaril at nakapatay sa tatlo niyang superior at nakasugat sa isa pa sa loob ng Fort Bonifacio, noong nakaraang linggo.
Ayon sa nakalap na impormasyon, nakipag-ugnayan na sa awtoridad ang pamilya ni Tial para sa pagsuko nito.
Kaugnay nito, umaasa naman ang pulisya na agad ng maliwanagan ang isip ni Tial at maging maaga ang pagsuko nito.
Una ng naglunsad ng manhunt operation ang pinagsanib na pwersa ng PNP at AFP laban sa naturang sundalo.
Matatandaan na nitong Miyerkules ng nakaraang linggo nang pagbabarilin ni Tial ang kaniyang mga kasamahan sa loob ng barracks.
Patay sa naturang pamamaril sina Captain Dionicio Aragon, 1Lt. Gerald Fuentes at MSG Elesio B. dela Cruz, habang nanatili pa rin ngayon sa ospital si Cpt. Benito G Ramos Jr. (Rose Tamayo-Tesoro)