Obrero sinaksak na,inadobe pa sa ulo

Pinagsasaksak at binag­sa­kan ng bato sa ulo hang­gang sa mapatay ang isang 30-an­yos na mister ng kan­yang ka­away matapos talunin ng una ang huli sa kanilang suntukan, kama­kalawa ng gabi sa Ca­loocan City.

Namatay sa mismong lugar ng pinangyarihan ng insi­dente ang biktimang si Rus­sele Quarte, construction worker ng Purok Laloma, Ca­marin ng na­banggit ng lungsod.  

Kasalukuyan namang naka­piit ang suspek na si Gerry Batis, 23, isa ring cons­truction worker at kapitbahay ng biktima.  

Sa imbestigasyon, dakong alas-10 ng gabi nang maga­nap ang insidente malapit sa bahay ng biktima.  

Base sa salaysay ng mga nakasaksi, nagkaroon ng ma­initang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng suspek hang­gang sa ma­gkahamunan ng suntu­kan ang mga ito.

Ayon pa sa ulat, nang ma­talo ng biktima ang suspek sa suntukan ay bigla na lamang binunot ni Batis ang dalang pa­talim at agad na inundayan ng magkakasunod na saksak si Quarte. Hindi pa nakun­tento, nang nakahandusay na ang biktima ay binagsakan pa ito ng ma­laking bato sa ulo ng suspek dahilan upang tulu­yan itong bawian ng buhay.

Kaagad namang nadakip ng mga rumespondeng tanod at mga pulis ang nabanggit na suspek. (Lordeth Bonilla)

Show comments