^

Metro

Dalaga ginang-rape, tinorture pa

-

Ginahasa na, tinorture pa ng anim na miyem­bro ng isang gang ang 18-anyos na dalaga sa isang bakanteng lote noong Sabado ng mada­ling-araw, iniulat kahapon sa Parañaque City.

Halos nanghihina pa sanhi ng matinding hirap na dinanas nang magtungo sa himpilan ng pu­lisya ang biktimang itinago lamang sa pangalang “Mila” ng Brgy. Sto. Niño, nang makarating sa Barangay Hall ng Baclaran matapos pawalan ng mga suspect kapalit ng pangakong hindi siya magsusumbong sa pulisya.

Agad namang ipinagbigay-alam ng mga opisyal ng barangay sa pulisya ang reklamo ng dalaga na naging dahilan upang madakip ang apat sa walo na mga menor-de-edad na suspect na pawang residente ng L. Gabriel St. at miyem­bro ngTrue Brown Style (TBS).

Bunga nito, kahapon lamang naisampa ng pu­lisya sa piskalya ang kaso laban sa 4 naares­tong suspect na ang dalawa’y nasa edad na 16, habang 17 naman ang dalawa pa matapos suma­ilalim sa medico legal examination ang biktima.

Nabigo naman ang pulisya na madakip ang dalawa pang suspect na nakilala lamang sa mga alyas Noknok at Machy.

Ayon sa ulat, pauwi na ang biktima matapos bumili ng pulutan nang mapadaan sa grupo ng mga suspect na nasa bakanteng lote sa L. Gabriel St., dakong alas-3 ng madaling-araw nitong Sabado.

Agad na kinaladkad umano ng mga suspect ang biktima at pilit na pinaghuhubad subalit nang tumanggi ang dalaga ay sinimulan siyang sa­kalin, pagkakagatin sa leeg at pagsusuntukin, pag­pa­pasuin ng sigarilyo hanggang sa pilahan at halinhinang hinalay ng naturang mga kaba­taan. Gulapay na sa hirap ang dalaga nang mag­makaawa sa mga suspect na pawalan na siya at nangako na hindi magsusumbong sa pulisya.

Napag-alaman na naging biktima na ng gang rape noong Mayo ng taong 2008 ang biktima matapos halinhinanang pagsamantalahan ng 13-lalaki subalit natakot ito na baka buweltahan siyang patayin kung kaya’t inilihim na lamang niya ito.

Ito umano ang dahilan kaya’t ipinasiya ng mga kabataang suspect na pawalan ang biktima sa pag-aakalang hindi rin ito magsusumbong sa pulisya tulad ng kanyang pangako.  (Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

BARANGAY HALL

BROWN STYLE

GABRIEL ST.

ROSE TAMAYO-TESORO

SABADO

SHY

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with