Amok na sundalo nag-sorry sa text

MANILA, Philippines - “Patawad, nagdilim ang isip ko, hindi ko sina­sadya !”

Ito ang laman ng isang text message ni Army Sergeant Elias Tial sa kanyang asawa mula sa kanyang pinagta­taguan.

Nagtago si Tial ma­karaang pagbabarilin niya at mapatay ang tatlo niyang superior sa bar­racks ng Special Forces Company sa Fort Boni­facio, Makati City noong Pebrero 25.

Ayon sa ilang impor­mante sa SFC, sising-alipin ngayon at tuliro si Tial sa nagawang krimen bagaman wala pa silang ideya kung susuko ba ito sa kanyang mga su­perior sa Philippine Army.

Sa Camp Aguinaldo, ki­numpirma ni Army Chief Lt. Gen. Victor Ibrado na nakarating sa kaniyang kaalaman ang pagpapa­dala ni Tial ng text mes­sage sa asawa nito noong isang araw lamang ma­tapos mag­tago.

Noong Pebrero 25 ng gabi ay nag-amok si Tial nang pagbabarilin ng M-16 rifles ang tatlo niyang superior.

Naburyong umano si Tial sa pagkamatay ng kanyang ama sa Iloilo noong Pebrero 21 kung saan bagaman pinaya­gan na itong mag-leave para makipaglibing ay na­gawa pa ring mag-amok.

Napatay ni Tial sina Captain Dionillo Aragon Jr., executive officer; Lt. Gerald Fuentes, Team Leader; at Master Ser­geant Eliseo de la Cruz, Jr. habang sugatan naman si Captain Benito Ramos Jr., commanding officer ng SFC.

Si Tial, sa sandaling ma­­ aresto, ayon kay Ibra­do, ay agad isasalang sa General Court Martial. (Joy Cantos)

Show comments