Tanggapan ng DPWH nilooban
Nilooban ng mga hindi nakikilalang suspects ang tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kahapon sa Maynila.
Kahapon ng umaga nang pasukin ang tanggapan ni DPWH Sec. Hermogenes Ebdane ng mga hindi nakilalang mga kalalakihan. Sinabi ni Ebdane na nawala ang ilan sa kanyang mga folders na naglalaman ng mga dokumento at mga expired nang gamot.
Maliban sa opisina ni Ebdane, pinasok din ang tanggapan ni DPWH Undersecretary Bashir Rasuman kung saan nakuha mula dito ang kanyang laptop computer.
Samantala, hindi pa naman tinukoy ni Ebdane kung ano ang nilalaman ng mga dokumentong nanakaw. Dahil dito kayat, inatasan na ni Ebdane ang security personnel ng DPWH na magsagawa ng imbestigasyon sa nasabing insidente para matukoy ang tunay na motibo ng pagnanakaw. (Gemma Amargo-Garcia at Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending















