Serye ng rollback sa petrolyo, nagsimula na
Sunud-sunod na nagpatupad ng price reduction sa produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis. Kahapon ng alas-6 ng umaga ay humabol na rin ang iba pang mga kom panya ng langis para sa unang serye ng rollback ngayong buwan ng Marso.
Pinakahuling nagpatupad ng bawas presyo ang Petron Corp. at Total Philippines na nagbaba ng P1 sa kada-litro ng kanilang diesel at kerosene, habang 50 sentimos naman sa bawat-litro ng kanilang gasolina.
Bukod dito nagpatupad na rin ang Petron at Shell ng P2 sa kada-kilong price reduction sa kanilang liquefied petroleum gas (LPG).
Magugunitang una ng nagpatupad ng price rollback ang Pilipinas Shell at PTT Philippines dakong alas-12:01 kahapon ng madaling-araw sa mga kapareho ring produkto subalit inaasahang susunod na lamang mamayang hatinggabi ang iba pang mga kompanya ng langis. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending



















