^

Metro

30 kilometrong haba ng 'human chain' sa Muntinlupa

-

Bumuo kahapon ng isang “human chain” na may 30 kilometro ang haba ang mga residente ng Muntinlupa City upang ipakita ang kahala­gahan ng pagkakaisa at kaunlaran sa kanilang komunidad. Tinataya namang humigit-kumulang sa 100,000 residente na kinabibilangan ng mga mag-aaral, mga ginang at mga trabahador ng lungsod ang lumahok sa nasabing aktibidad. Mula naman sa Sucat Avenue ang haba ng natu­rang “human chain” hanggang sa Buli, Cupang, Alabang, Bayanan, Putatan, Poblacion at umabot pa ito sa Brgy. Tunasan ng Muntinlupa City.

Nabatid na ang naturang pagtitipon na may temang “Kapit-Bisig Tungo sa Kaunlaran” ay pina­ngunahan ng Kilusang Bayan sa Paglilingkod sa Muntinlupa City, Inc. (KBPMCI) na sinupor­tahan naman ng lokal na pamahalaan ng lungsod.

Bahagi rin umano ito ng pagsisimula kahapon sa pagdiriwang ng 14th anniversary ng pagiging lungsod ng Muntinlupa. (Rose Tamayo-Tesoro)

ALABANG

BAHAGI

BAYANAN

BRGY

BULI

KAPIT-BISIG TUNGO

KILUSANG BAYAN

MUNTINLUPA CITY

ROSE TAMAYO-TESORO

SUCAT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with