^

Metro

Dinukot na totoy, tinangkang patayin

-

Dead man tells no tales.

Ito ang marahil gustong gawin ng isang kidnap-for-ransom suspect sa dinukot na 12- anyos na batang lalaki matapos na itapon sa ilog para ma­sawi ngunit masuwerteng naka­ligtas makaraang makalangoy at makahawak sa water lily sa ilog Pasig, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay Senior Insp. Belino Zinampan Jr. hepe ng Follow-up Unit ng Pasig City Police, ang pagkakaligtas ng biktimang si Ericko Cantil, grade 6 pupil sa Ilugin Elementary School at residente sa Brgy. Pinagbuhatan sa lungsod ay naging sanhi upang maaresto ang suspek sa pagdukot sa kanya na si Cesar H. Carreon, 35, security guard at kapitbahay ng una. Nadakip si Carreon sa may isang con­venient store sa Shaw Blvd. ng nabanggit na lungsod.

 Ayon sa ulat, nag-ugat ang insidente nang dukutin ng suspek ang biktima noong Pebrero 26, ganap na alas-2:30 ng hapon sa harap ng pina­pasukang paaralan ng una at isinakay sa isang kotse kung saan dinala ito sa Brgy. Bam­bang, Bocaue Bulacan.

Matapos ang pagdukot ay humingi ang sus­pek ng ransom money na nagkakahalaga ng P300,000 sa magulang ng biktima. Subalit, dahil hikahos ang pamilya ay nakumbinsi nila ang suspek na bayaran na lang siya ng halagang P5,000 para makuha ang bata sa pama­magitan ng paghulog ng pera sa bangko.

Nang makuha ng suspek ang salapi ay hindi sumunod ang suspek sa usapan at sa halip ay dinala nito ang bata sa may ilog Pasig, partikular sa Vargas Bridge at doon inihulog para malunod.

“Itinapon ng suspek ang bata, para ma­pagtak­pan ang kaso niya kasi kilala siya ng bata, eh mag­kapitbahay lang sila, kung ma­mamatay ang bata hindi siya maituturo na siya ang nagplano ng pagkidnap,” ayon pa kay Zinampan.

Makaraang ihulog ang bata ay agad na umalis ang suspek sa pag-aakalang patay na ito, ngunit himalang nakaligtas ang bata nang makalangoy ito at makahawak sa water lily saka nagpatianod sa tubig hanggang maka­rating sa Marikina river.

Pagsapit sa nasabing lugar ay humingi ng tulong ang bata dahilan upang mailigtas ito ng ilang residente at dalhin sa malapit na ospital. Nang makarekober ay saka ipinabatid nito sa mga pulis kung sino ang dumukot sa kanya na nag­resulta sa pagkakaaresto kay Carreon.

Inihahanda na ang mga kaukulang kaso laban sa nadakip na suspect. (Ricky Tulipat)

AYON

BATA

BELINO ZINAMPAN JR.

BOCAUE BULACAN

BRGY

CARREON

CESAR H

ERICKO CANTIL

ILUGIN ELEMENTARY SCHOOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with