^

Metro

Sekyu Sinaniban namaril

-

MANILA, Philippines - Mistulang sinaniban ng masamang espiritu ang isang guwardya kung saan nagniningas pa ang dala­wang mata nito nang mag-amok hanggang sa pagba­barilin at patayin ang dala­wang construction workers habang nag-iinuman   kama­kalawa ng gabi sa Caloocan City.

Patay na nang idating sa Valenzuela Medical Center ang mga biktimang sina Fausto Nario, 50, at Abel Diaz, nasa hustong gulang, kapwa residente ng Fore State Business Line, Para­ñaque City. 

Tinutugis naman ng Ca­loocan City Police ang sus­pek na nakilala lamang sa panga­lang Galabayo E. A, nasa hus­t­ong gulang ng Red Planet Security Agency at naka­talaga sa Teopilo 1 Village Home Owner Association, Vista Verde, Barangay Kay­biga, Caloocan City. 

Nag-iinuman sina Nario, Diaz at ang kanilang project manager na si Raul Fabiosa sa construction site nang biglang dumating ang sus­pek na armado ng 12 gauge shot gun. 

Ayon sa project manager na si Fabiosa, ang dalawang mata ng suspek ay nagni­ningas nang dumating at walang sabi-sabing pinag­ba­baril nito ng dala nitong shot gun ang mga biktima. (Lor­deth Bonilla)

vuukle comment

ABEL DIAZ

BARANGAY KAY

CALOOCAN CITY

CITY POLICE

FAUSTO NARIO

FORE STATE BUSINESS LINE

GALABAYO E

RAUL FABIOSA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with