Reporter at crew ng ABS-CBN ipatatawag ng NAPOLCOM

MANILA, Philippines - Ipatatawag o iimbetahan ng pamunuan ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang reporter at crew ng ABS-CBN Channel 2, na esklusibong naka-spot ng coverage hinggil sa naganap na shootout laban sa tatlong hinihinalang car­jackers noong nakaraang Pebrero 17 sa Quezon City.

Ito ay upang magbigay- linaw hinggil sa kasong kina­sa­sangkutan ng 29 pulis ng Que­zon City Police District (QCPD).

Napag-alaman sa tangga­pan ng Inspection Monitoring Investigation Service (IMIS), NAPOLCOM sa pamumuno ni Director Owen De Luna, acting service chief ng naturang divi­sion, nabatid na pormal nilang pa­dadalhan ng sulat ang pamu­nuan ng ABS-CBN, channel 2.

Malaki aniya ang maitutu­long ng mga ito sa isinasagawa nilang imbestigasyon sa kaso.

Kung saan malalaman aniya dito, kung shootout ba o rubout ang naganap. (Lordeth Bonilla)

Show comments