Reporter at crew ng ABS-CBN ipatatawag ng NAPOLCOM
MANILA, Philippines - Ipatatawag o iimbetahan ng pamunuan ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang reporter at crew ng ABS-CBN Channel 2, na esklusibong naka-spot ng coverage hinggil sa naganap na shootout laban sa tatlong hinihinalang carjackers noong nakaraang Pebrero 17 sa Quezon City.
Ito ay upang magbigay- linaw hinggil sa kasong kinasasangkutan ng 29 pulis ng Quezon City Police District (QCPD).
Napag-alaman sa tanggapan ng Inspection Monitoring Investigation Service (IMIS), NAPOLCOM sa pamumuno ni Director Owen De Luna, acting service chief ng naturang division, nabatid na pormal nilang padadalhan ng sulat ang pamunuan ng ABS-CBN, channel 2.
Malaki aniya ang maitutulong ng mga ito sa isinasagawa nilang imbestigasyon sa kaso.
Kung saan malalaman aniya dito, kung shootout ba o rubout ang naganap. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending