Quezon City fire: 300 pamilya nawalan ng bahay

Umaabot sa 300 pamilya ang nawalan ng ka­nilang bahay sa sunog na naganap sa isang squatters’ area kamakalawa ng gabi sa Baesa, Quezon City.

Isa naman sa mga residente na inisyal na nakila­lang si Robbie de Vera ang nasaktan matapos na tamaan ng mabigat na bagay sa ulo habang tumu­tulong na apulain ang apoy.

Sa ulat ng Quezon City Fire Department, dakong alas-5 ng hapon nang mag-umpisa ang sunog sa isang bahay sa squatters area sa Sitio Pajo, Brgy. Baesa. Nabatid na ang naturang lugar ay nasa likod lamang ng Quezon City General Hospital.

Umabot sa ikalimang alarma ang naturang apoy kung saan rumesponde at dakong alas-6:50 na ng gabi nang maapula ang apoy ngunit tuluyang naabo na ang tinatayang 150 kabahayan. (Danilo Garcia)

Show comments