^

Metro

3 salvage victim natagpuan sa Las Piñas

-

Tatlong bangkay ng hinihi­na­lang mga biktima ng salvage ang natagpuan sa magkahi­walay na lugar, kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Batay sa nakalap na impor­masyon, unang natagpuan dakong alas-6 ng umaga ang bangkay ng isang lalaki na tinatayang nasa 17-20 ang edad na may nakabalot na plastic ang mukha at may laslas sa leeg sa Challenger St., Moon­walk Village.

Ilang minuto pa ay magka­sunod namang natagpuan ang bangkay ng dalawa pang lalaki sa BF Resort at Great Plains Subd., Pilar Village, Almanza Uno, nabanggit na lungsod.

Kapwa may mga laslas rin sa leeg ang dalawa at naka­balot din ang mga ulo ng mga ito ng itim na garbage plastic bag.

Pawang nakagapos rin ng masking tape ang mga kamay ng mga biktima gaya rin ng unang natagpuang bangkay kung saan nakitaan din ang mga ito ng mga sugat at pasa sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan tanda ng sobrang pag­pa­pahirap sa kanila bago pa man sila tuluyang nilikida.

Isang malaking pala­ isipan naman sa mga resi­dente ng lung­sod kung sino ang may kaga­gawan sa na­ turang krimen kung saan inaalam na rin ang pag­ka­kakilanlan ng mga biktima.   (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ALMANZA UNO

BATAY

CHALLENGER ST.

GREAT PLAINS SUBD

ILANG

LAS PI

PILAR VILLAGE

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with