^

Metro

2 pulis utas sa sundalo

- Angie dela Cruz, -

Dalawang pulis ang nasawi at malubha namang nasugatan ang isang tsuper matapos na pagbabarilin ng isang inares­tong sundalo makaraang ru­mes­ponde ang mga alagad ng batas sa paghingi ng saklolo ng kinakasamang babae na binu­bugbog ng suspek kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Si PO1 Victor Mondejar, 27, ay nasawi sa mismong lugar ng pinangyarihan ng insidente, habang si PO3 Joel Belarmino, 46,   ay namatay sa Manila Cen­tral University Hospital. Ang dalawa ay kapwa nakatalaga sa Police Community Precinct 1 ng Sub-Station 1 ng Caloocan City Police.

Kasalukuyan ding ginaga­mot sa nasabing ospital ang driver na si Cesar Ihemplo, 49 ,   ng Plobe Homes II, Paradise Village, Brgy. Tonsuya, Malabon City matapos itong tamaan ng ligaw na bala sa kanyang tiyan.

Arestado naman at naha­harap sa kasong double murder at frustrated homicide ang suspek na si M/Sgt. Aristotle Calagui, 44, binata, miyembro ng Philippine Marine at resi­dente ng Naval Street, Brgy. San Roque, Navotas City.

Sa ulat nina SPO3 Edgardo Esguerra at SPO1 Joel Monte­bon, kapwa may hawak ng kaso, dakong alas-7:20 ng gabi nang maganap ang insidente malapit sa Bonifacio Monument Circle (BMC) ng na­sabing lungsod.

Nabatid na bago naganap ang insidente, isang Cristine Napolis, 43, kinakasama ng suspek ay humingi ng tulong kina PO1 Mondejar at PO3 Belarmino hinggil sa ginawang pambubugbog sa kanya ng sundalo.

Sinita ito ng dalawang pulis at nang dadalhin na ang mag-live-in partner sa PCP 1 ay big­lang binunot ng suspek ang kanyang baril at patraydor na binaril ang dalawang pulis.

Si Ihemplo naman na nag­ka­taong minamaneho nito ang kanyang pinapasadang jeep­ney sa pinangyarihan ng insi­dente ay nahagip ng ligaw na bala na tinamaan sa kan­yang kaliwang tiyan.

vuukle comment

ARISTOTLE CALAGUI

BONIFACIO MONUMENT CIRCLE

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CESAR IHEMPLO

CRISTINE NAPOLIS

EDGARDO ESGUERRA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with