^

Metro

Kelot hulog mula ika-11 palapag, patay

-

Sabog ang bungo at patay agad ang isang hindi nakikilalang lalake matapos na umano’y mahulog mula sa ika-11 palapag ng isang gusali sa lungsod ng Pasig kahapon ng umaga.

Ang biktima ay tinatayang nasa gulang 40-anyos, tsinito, balingkinitan ang katawan, 5’4’’-5’5’’ ang taas, moreno, walang damit sa itaas at naka­suot ng checkered style short pants.

Ayon sa inisyal na report naganap ang insidente sa may Ledge City Land Mega Plaza na matatagpuan sa ADB Ave., Ortigas Center Pasig City ganap na alas-8:40 ng umaga.

Sinasabing natagpuan na lamang ang walang buhay na katawan ng biktima ng guwardiyang si Rodante Gaerlan, 37, habang nakahandusay sa ibabaw ng simentadong gusaling nasa ibaba ng nasabing gusali.

Isang saksi na si Michel Fillo, na bago ang insidente ay nakakita siya ng isang tila mabigat na bagay   ang bumagsak mula sa nasabing palapag paibaba nito.

Kung kaya agad niya itong ipinag­bigay-alam sa mga guwardiya, hang­gang sa matuklasan ang bangkay ng nasabing biktima.

Sa kasalukuyan, patuloy ang im­bes­­tigasyon ng awtoridad sa na­sabing insidente upang malaman kung ano ang tunay na dahilan ng pagbagsak ng biktima mula sa nasabing gusali. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AYON

ISANG

LEDGE CITY LAND MEGA PLAZA

MICHEL FILLO

ORTIGAS CENTER PASIG CITY

RICKY TULIPAT

RODANTE GAERLAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with