^

Metro

Nursing grad­uate ni-rape slay

- Ni Ludy Bermudo -

Natagpuang may ta­nim ng   bala sa ulo, gina­hasa at pinagnakawan ang isang 22-anyos na dalagang nursing grad­uate sa loob ng inuupa­han nitong condominium unit sa Sta. Cruz, May­nila,  kamakalawa ng gabi.

May ilang oras na uma­nong patay nang matuklasan ang bangkay ng biktimang si Rosalie Turcolas, dalaga, tubong- Allen Northern Samar at nanunuluyan sa Unit 40-D Nisus Bldg., A.H. Lac­son Ave., Sta. Cruz, May­nila sanhi ng tinamong bala sa ulo.

Isinasailalim naman sa interogasyon ang naka-duty na security guard na kinilalang si Rodrigo Vasquez at Arly Mission, nakatalagang maintenance sa naturang condo-building.

Sa ulat ni Det. Joseph Kabigting ng Manila Po­lice District-Homicide Section, dakong alas-7:15 ng gabi nang madis­kubre ni Kristel Concha, ka-share ng biktima sa kuwarto ang bangkay ng biktima.

Ani Concha sa imbes­tigador, bumisita siya sa kaanak sa  Imus,  Cavite at ng bumalik na siya sa condo ay doon niya na­kita ang bangkay ng bik­tima kaya agad niya itong ipinagbigay-alam sa guwardiya ng condo­minium.

Malaki ang paniwala ng mga imbestigador na ginahasa din ang biktima dahil nakitang nakalilis ang suot na t-shirt na asul, lantad ang mga dibdib ng biktima at walang saplot sa ibabang bahagi ng katawan na duguan at may tama ng bala sa ulo.

Natuklasan din na nawawala ang gamit na laptop (P35,000) ng bik­tima; dalawang unit ng cellphone na Erikson K800 (P15,000) at isa pang hindi batid ang brand name na nagkaka­halaga ng P10-libo, at pati ang wallet nito.

Ayon pa sa imbesti­gasyon, walang forcible entry sa kuwarto ng bik­tima at aminado ang sekyu sa condo na walang bu­misita sa biktima dahil sa higpit ng kanilang pataka­ran sa sinumang puma­pa­sok sa loob ng condo.

Linggo umano ng gabi, dakong alas-9 nang makita ng sekyu ang pagdating ng biktima na pumasok agad sa kan­yang unit at wala umano siyang napunang ingay o komosyon.

Nakita rin ang bakas ng dugo sa katabing gu­sali na posibleng dina­anan ng suspect pa­pasok sa mismong unit ng biktima.

vuukle comment

ALLEN NORTHERN SAMAR

ANI CONCHA

ARLY MISSION

BIKTIMA

CRUZ

D NISUS BLDG

DISTRICT-HOMICIDE SECTION

JOSEPH KABIGTING

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with