Pamalakaya naghabol sa hukuman
Hiniling kahapon sa Korte Suprema ng grupong Pambansang Lakas ng Mamalakaya ng Pilipinas na makialam sa isyu ng paglilinis at demolisyon ng Metro Manila Development Authority sa Manila Bay.
Pinuna ng PAMALAKAYA na walang binigay na kasiguruhan ang Korte Suprema sa nauna nitong desisyon noong Disyembre 18, 2008 tungkol sa kapakanan ng mga maliliit na mangingisda sa Manila Bay.
Bukod dito, wala ring nakasaad sa desisyon na nagbibigay ng kapangyarihan sa MMDA lalo na sa Department of Environment and Natural Resources na tanggalin ang mga bahay ng mga concerned citizens sa Manila Bay na siya ring pinagkukunan nila ng kabuhayan tulad ng mga fish cages at fish traps. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending