^

Metro

Suspek sa pagpatay sa prexy ng Muay Thai group sumuko

-

Matapos ang dalawang araw na pagtatago, hawak na ng awtoridad ang suspek sa pagpatay sa pangulo ng Muay Thai Association of the Philippines matapos na kusang sumuko sa kanyang superior ng Philippine Army sa Tanay Rizal kahapon ng hapon.

Ayon kay Eastern Police District Director Senior Supt. Lino Calingasan, ang suspek na si Sonny Sumales, 35, ay nakatakdang iturn-over kay Pasig City Police Deputy Chief Supt. Romeo Aninag matapos ang kanyang pag­suko dahil batid nitong siya ang nalalagay ngayon sa ala­nganin bunga ng manhunt operation na ginagawa laban sa kanya.

Si Sumales na miyembro ng Pilippine Army ay nasa status na absence without official leave ngunit ang baril na ginamit nito sa pama­maslang kay Roberto Valdez, 40, ng #28 Rome St., Ciudad Grande, Ortigas Avenue Ext., Pasig City ay hindi nabawi, ayon pa kay Calingasan.

Ayon sa ulat, bago ang pamamaslang, si Sumales ay matagal nang nanliligaw sa isang 19 anyos na miyembro din sa naturang asosasyon na mahigpit na tinututulan ng pamilya ng biktima.

Sinasabing tinanggal bi­lang miyembro ng Muay Thai si Sumales dahil sa kakaibang pag-uugali nito na nakakasira sa imahe ng grupo.

Ayon sa asawa ng biktima na si Grace, 41, matindi ang pagkagusto ng suspek sa babae at bago ang pamamas­lang sa kanyang asawa ay humihiling pa umano si Su­males sa huli na bigyan siya ng certification para muling makapagturo ng Muay Thai na ipinagkait naman nito na siyang hinihinala niyang da­hilan upang mauwi ito sa pamamaslang.

Magugunitang Pebrero 21 ganap na alas 10 ng umaga nang pasukin ni Sumales si Valdez sa tanggapan nito sa Philippine Sports Arena sa Pasig at pagbabarilin.

Na­gawa pang itakbo sa Medical City ang biktima ngunit idinek­lara din itong patay. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AYON

CIUDAD GRANDE

EASTERN POLICE DISTRICT DIRECTOR SENIOR SUPT

LINO CALINGASAN

MAGUGUNITANG PEBRERO

MEDICAL CITY

MUAY THAI

MUAY THAI ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

SHY

SUMALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with