^

Metro

1 pang sekyu sa Rizal Park rape kinasuhan

-

Isinampa na sa Manila Regional Trial Court ang dalawang kasong kriminal laban sa isa pang guwardiya ng Rizal Park na pwersahang gumahasa sa isang babae sa naturang parke noong taong 2007.

Kasong grave coercion at rape ang isinu­long ng Manila Prosecutor laban kay Eliazar M. Galin, 26, ng Variance Security & Protective Agency kasunod ng pagkaka­dakip sa kanya kamakailan.

Nag-ugat ang kaso nang pormal na maghain ng reklamong kriminal si Victor B. Labuyo, 21, isang factory worker ng Valenzuela City at nobya niyang itinago sa pangalang “Jane” na siyang ginahasa umano ni Galin.

Sinasabi sa reklamo na, noong Abril 9, 2007, hinuli nina Galin at ng kapwa guwar­diyang si Rolando Arizobal sina Labuyo at Jane at dinala sa guard office dahil sa pagtatalik umano ng magkasintahan sa loob ng Rizal Park.

Habang nasa loob ng opisina ng mga guwardiya, inutusan ng mga suspek ang magkasintahan na magtalik sa patayong posisyon habang nakahubad.

Dahil sa takot, napilitang gawin ang utos subalit hindi umano nakuntento ang mga suspek. Hinila nila ang babae dahil sa hindi magandang ‘performance’ na dulot ng nerbiyos.

Nagmakaawa si Labuyo na bugbugin na lamang siya, huwag na lamang ilayo sa kanya si Jane, subalit binalewala ito ni Galin at sapilitang ginahasa ang babae.

Nang maisakatuparan ang panggga­gahasa, si Galin naman ang pumigil kay Labuyo habang si Arizobal naman ang sumunod na gumahasa kay Jane.

Naunang nadakip at nakasuhan noong nakaraang taon si Arizobal. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ARIZOBAL

ELIAZAR M

GALIN

LABUYO

LUDY BERMUDO

MANILA PROSECUTOR

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

PROTECTIVE AGENCY

RIZAL PARK

ROLANDO ARIZOBAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with