Bangkay ng 2 karnaper huhukayin
Inutos ng Commission on Human Rights ang paghukay sa dalawa sa tatlong bangkay na hinihinalang carnapper na napatay sa pakikipagbarilan sa pulisya sa Quezon City kamakailan.
Ayon kay Atty. Carmen Rosete ng CHR-National Capital Region office, pumayag na ang pamilya ng dalawang napatay na suspek na sina Romeo De Guzman at Alfredo Pimentel na muling isailalim sa awtopsiya ang bangkay ng mga ito.
Ang pamilya ng pangatlong suspek na si Roland Batapa, 25, ay kuntento na sa unang resulta ng awtopsiya na isinagawa ng Quezon City Police District.
Magugunitang namataan sa Mandaluyong City ang apat na hinihinalang carjackers na nakasakay sa carnapped vehicles at nagkaroon ng habulan sa pagitan ng PNP Highway Patrol at mga suspek noong Pebrero 17 ng taong ito.
Sinasabing ang habulan ay napadako sa bisinidad ng Quezon City kung saan niradyuhan ng Highway Patrol ang QCPD Anti-Carnapping Unit na agad namang rumesponde sa may Edsa kanto ng NIA Road, Brgy. Piñahan, Quezon City.
Dito nagkabarilan na ikinamatay ng tatlo sa mga suspek habang nakatakas ang isang kasamahan ng mga ito.
Pumasok na rin sa isyu si CHR Chairperson Leila de Lima nang nakita nito ang video footage ng police operation kung saan pinagbabaril nang walang kalaban laban ang mga suspek na hindi na guma galaw.
- Latest
- Trending