^

Metro

'Fraternity group' nanghoholdap

-

MANILA, Philippines - Iniutos kahapon ni Ma­nila Mayor Alfredo S. Lim na walisin ang mga nag­pa­panggap na fra­ternity group sa bisinidad ng mga paaralan sa May­nila na gumagamit ng modus ope­randi para makatangay ng mga ma­hahalagang kaga­mitan ng mga estudyante.

Kasunod ito ng ulat na nakarating sa tanggapan ng alkalde hinggil sa rek­lamo ng ilang college stu­dents na natangayan ng mga cellphone, wallet, bag at kagamitan ng sampung di umano’y nagpapanggap na mga miyembro ng isang fra­ternity group, sa Intra­muros, Maynila, kamaka­lawa ng hapon.

Sa blotter ng Manila City Hall-Special Police Unit, nabiktima ng hindi pa natutukoy na mga sus­pect sina Timothy Gatan, 18, 2nd year stu­dent sa Ma­pua Institute of Tech­nology (MIT); John Argon Lim­lauco,18, 2nd year student ng MIT; at Irwin Cabrera, 24, ng Fairview, QC.

Sa reklamo ni Gatan kay PO3 James Poso, alas-5:30 ng hapon nang lapitan siya ng dalawa sa mga suspect habang nag­­ la­lakad sa kaha­baan ng Intramuros Golf Course at pilit na pina­ aako na may binastos siyang babae na ka­miyembro umano ng fraternity ng mga suspect.

Pinilit umano siyang pa­tunayan na wala siyang kasalanan kaya dinala siya sa mga ka­grupo ng mga suspect upang kilalanin umano kung siya ang nam­bastos subalit pina­iwan umano sa iba pang sus­pect ang lahat ng kanyang gamit.

“Sumama ako, pero pinaiwan nila iyong bag ko cellphone at wallet at pag­balik ko wala na iyong mga gamit ko at ’di ko na sila nakita,” ani Gatan.

Lingid sa kaalaman ni Gatan, ganun din ang gi­na­wa sa dalawa pang bik­timang sina Limlauco at Cabrera ng iba pang ka­samahan ng nagpa­pang­­gap na fraternity group ga­mit din ang naturang modus.

“Wala kaming ma­gawa kasi marami sila, natakot kami, baka ga­wan nila kami ng ma­sama kaya umalis na lang kami na hindi na namin na­kita ang ku­muha ng mga gamit namin,” dag­dag pa ni Gatan.

Nang ipakita sa mga biktima ang photo gallery ng mga criminal, nadis­kubre na isa sa mga sus­pect ang naroroon sa la­ra­wan sa rekord ng mga kriminal. Sinabi naman ni PO3 Poso na nakunan nila ng la­rawan ang isa dahil na­huli na ito nila sa hol­dap. “Nahuli na namin ito may ilang beses na, pina­ka­huli yung sa loob ng SM, may hinoldap na babae,” ani Poso.

Ayon kay Lim, hindi dapat na ­ang mga sus­pect ay nasa sa lugar ng mga pa­aralan o saan man sa lungsod kaya’t dapat silang ares­tuhin at ka­suhan. (Ludy Bermudo)

GATAN

INSTITUTE OF TECH

INTRAMUROS GOLF COURSE

IRWIN CABRERA

JAMES POSO

JOHN ARGON LIM

LUDY BERMUDO

MANILA CITY HALL-SPECIAL POLICE UNIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with