^

Metro

Dahil sa sagupaan ng 2 gang, Totoy patay, 1 pa sugatan sa ligaw na bala

-

MANILA, Philippines - Isang 14-anyos na totoy ang nasawi, habang sugatan naman ang isa pa niyang kasamang nagbabasura maka­raang matamaan ng ligaw na bala nang magsagupaan ang dalawang gang sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center si Jaime De Leon 14, basurero at residente ng #233 Rodriguez st., Balut, Tondo, Maynila.

Habang nasa kritikal pa ring kalagayan sa nabanggit na ospital ang kaibigan ni de Leon na si Marjim Villamor 13. Nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya laban sa mga suspect na miyembro ng di nabatid na gang.

Sa ulat ni Det. Jaime Gonzales ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa Radial 10, tapat ng Building 3, Temporary Housing, Balut, Tondo.

Sa pahayag ng isang Rosalie Trangea, 54, resi­dente sa lugar, napansin niyang nagrarambulan ang mga ka­bataan na pawang miyembro ng magka­labang gang habang ang dalawang bata ay nama­taan niyang namu­mulot ng basura. Ilang sandali pa ay umalingawngaw ang putok ng baril kasunod ang panakbuhan hang­gang sa makitang duguan na ang dalawang biktima.

Isinugod ng mga nakasaksi ang dalawang bata sa nasabing ospital subalit agad ding idineklarang patay si De Leon.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

DE LEON

JAIME DE LEON

JAIME GONZALES

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARJIM VILLAMOR

MAYNILA

ROSALIE TRANGEA

SHY

TEMPORARY HOUSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with