^

Metro

P.50 rollback sa pasahe sa jeep, tuloy sa Lunes

-

MANILA, Philippines - Inanunsiyo ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Alberto Suansing na kasado na sa Lunes, Pebrero 23 ang rollback na 50 sentimong pasahe sa mga pampasa­herong jeep.

Ani Suansing, tuloy na tuloy na ang 50 sen­timo bawas pasahe sa kasalu­kuyang P7.50 minimum fare. Manga­nga­hulugan na P7.00 na lamang ang minimum fare sa jeep sa Metro Manila, Region 3 at 4.

Nagkaharap-harap na rin sa LTFRB ang mga transport leader sa jeep­ney sector tulad nina Fejo­dap President Zeny Mara­nan, 1-utak President Boy Vargas, 1-Utak spokesman Orlando Marquez, Piston Secretary General George San Mateo at dito pormal din nilang inihayag na sa Lunes lahat ng mi­yembro nilang driver ay magba­bawas ng 50 cents sa mini­mum na pasahe sa jeep.

Ang pasahe naman sa pampasaherong bus sa Metro Manila at mga lala­wigan ay nanatili pa ring walang pagbabago.

Sa taxi naman ay wala pang itinakdang araw para sa gagawing public hearing kung ibabalik ang P10 add on na dagdag singil sa kabu­uang pasahe sa mga taxi. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ANI SUANSING

CHAIRMAN ALBERTO SUANSING

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

METRO MANILA

ORLANDO MARQUEZ

PISTON SECRETARY GENERAL GEORGE SAN MATEO

PRESIDENT BOY VARGAS

PRESIDENT ZENY MARA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with