^

Metro

Ginang todas sa ka-live-in

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang ginang sanhi nang pagkabasag ng bungo makaraang iuntog sa pader ng kanyang live-in partner kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Virginia Ofemia, 41, ng Pateros Street, Maypajo ng nabanggit na lungsod .

Kasalukuyan namang nakakulong ngayon sa detention cell ng Caloocan City Police ang suspect na si Jhonnie Cuyugan, 41, jeepney driver, kinaka­sama ng nasawi.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insi­dente dakong alas-11:30 ng gabi sa loob ng tinu­tuluyang bahay ng biktima sa naturang lugar.

Mismong ang suspect pa umano ang nagsugod sa ginang sa pagamutan at base sa pahayag nito ay umi­nom umano ng lason pero patay na nang idating ito.

Naghinala naman ang mga kaanak ng nasawi na hindi naglason ang ginang, kung kaya’t ng ipasuri   ang bangkay nito sa SOCO at base sa post mortem examination na isinagawa, nabatid na si Ofemia ay namatay dahil sa intracerebral hemmorage secondary to blunt traumatic injury sa ulo.

Nang dakpin ang sus­pek ng mga pulis sa isang follow-up operation, inamin nito na nabagok ang ulo ng ginang matapos niyang iuntog ang ulo sa pader.

Nabatid na nairita ang suspek sa biktima dahil sa pagiging bungangera nito at ang kanilang pinag-aawa­yan ay may kaugna­yan sa pera. (Lordeth Bonilla)

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

JHONNIE CUYUGAN

KASALUKUYAN

LORDETH BONILLA

MAYPAJO

PATEROS STREET

SHY

VIRGINIA OFEMIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with