^

Metro

Kinalasan ng nobya, sekyu nag-amok bago nag-suicide

-

MANILA, Philippines - May tama ng bala sa kanang sentido at wala nang buhay nang matagpuan ang isang sekyu ng mga rumes­pondeng mga pulis sa loob ng kanyang bahay, matapos umanong magwala at walang habas na magpaputok ng baril makaraang makipagkalas sa kanya ang kanyang nobya kamakalawa ng gabi, sa Sta.Mesa, Maynila.

Sa ulat ni P/ Supt. Jimmy Tiu, hepe ng Manila Police District-Station 8, nakaupo umano sa isang sofa ang dugu­ang si Richard Almedora, 22 , ng   Pureza St., NDC Compound, Sta.Mesa, Maynila nang pasukin nila ito sa bahay.

Isinugod naman sa Ospital ng Sampaloc ang suga­tang si Dexter Dumalaon, 30 ng nasabi ding lugar, na tinamaan ng bala matapos magwala ang naturang sekyu.

Sinabi ni Tiu na nakatanggap sila ng tawag mula sa Patrol 117 hinggil sa insidente ng indiscriminate firing dakong alas -8:30 ng gabi, kamakalawa .

Nasundan kagaad umano ng tawag mula sa Patrol 117 ang mensahe hinggil naman sa nabaril na isa uma­nong lalaki sa NDC compound. Nang tugisin ang sekyu ay tumakbo at nagtago umano ito sa kanyang bahay.

“My men trying to negotiate the suspect, nagkulong kasi. Pero ng hindi sumasagot pinuwersa naming buksan yong bahay niya, doon nakita naming patay na ito at may tama ng bala sa ulo,” ani Tiu. Base sa nakalap na impor­masyon ng pulisya, naki­pagkalas umano ang nobya ng suspect kaya nagwala umano ito at lumabas ng bahay dala ang kalibre .38 baril at naghamon ng away. Nagpa­putok kaya tinamaan umano si Dumalaon. Hindi na umano bago ang eksena ng pagwawala ng suspect dahil sa tuwing mag-aaway ito ng nobya ay sukbit ang baril sa labas ng bahay at naghahamon ng away. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BAHAY

DEXTER DUMALAON

JIMMY TIU

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

PUREZA ST.

RICHARD ALMEDORA

SHY

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with