^

Metro

Nakikipagkarerang bus tumaob; 29 sugatan

-

MANILA, Philippines - Dalawamput-siyam na pa­ sahero ang sugatan maka­raang tumaob ang isang pam­pasaherong bus dahil sa sobrang bilis ng patakbo ng driver nito sa tinaguriang “killer highway” na Commonwealth Avenue sa Quezon City kaha­pon ng madaling-araw.

Isinugod sa iba’t ibang pa­gamutan sa lungsod ang mga biktima kung saan nagtamo ang mga ito ng sugat, bugbog sa katawan at posibleng bali ng buto sa katawan sa naturang insidente.

Habang isinusulat ito, nasa kustodiya pa rin ng pamunuan ng Nova Auto Transport ang ka­nilang driver na si Joel Ragay, 41 at nakatakdang ipasa sa Quezon City District Traffic Enforcement Unit para masam­ pahan ng kaukulang kaso.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang maganap ang aksidente sa kahabaan Commonwealth Avenue sa tapat ng Ever Gotesco kung saan tumaob ang bus ng Nova Auto Transport (TWL-723).

Ayon sa ilang saksi, naki­kipagkarera umano sa isa pang bus si Ragay sanhi upang tu­magilid ang sasakyan habang napakabilis ng takbo. Nagtal­sikan naman ang mga pasa­hero sa loob ng naturang bus sanhi ng iba’t iba nilang pinsala sa katawan.

Depensa naman ng driver ng bus na si Ragay, isang tricycle umano ang kanyang iniwasan sanhi ng pagtagilid ng bus.

Tiniyak naman ni Edmund Parungao, operations head ng Nova Auto Transport na sasa­gutin ng kanilang kompanya ang lahat ng gastusin ng mga pasaherong nasaktan sa pa­gamutan at magsasagawa sila ng sarili nilang imbesti­gasyon upang mabatid ang pagkaka­sala ng kanilang driver. Tini­ yak rin nito na suma­ilalim na­man si Ragay at maging lahat ng kanilang mga tauhan sa drug tests bago bumiyahe ang mga ito.

Dobleng kamalasan naman ang inabot ng Nova Auto Transport nang mawalan ng kontrol at araruhin naman ng kanilang “tow truck” ang isang waiting shed at isang motorsiklo sa may kanto ng Commonwealth at Regalado street bago pa ma­puntahan ang tumagilid na bus para hatakin. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BUS

COMMONWEALTH AVENUE

DANILO GARCIA

EDMUND PARUNGAO

EVER GOTESCO

JOEL RAGAY

NOVA AUTO TRANSPORT

QUEZON CITY

RAGAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with