^

Metro

Truck bumitin sa flyover

-

MANILA, Philippines - Nagimbal ang mga moto­rista na bumibiyahe sa ilalim ng Ortigas Flyover makaraang bu­mitin sa ere ang kalahati ng 14-wheeler truck na may kar­gang buhangin dulot ng pagka­wala nito ng kontrol habang bi­na­bagtas ang ibabaw ng na­sabing kalsada sa lungsod ng Pasig kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat, nangyari ang in­sidente ganap na alas-10 ng gabi habang binabagtas ng na­sabing truck na minamaneho ni Alex Dulabot ang lugar. Pag­sapit sa paitaas na bahagi ng nasa­bing flyover ay bilang tumi­rik ang sasakyan nito sanhi upang umat­ras ito paibaba. Sa pag-atras ng truck, tina­maan nito ang steel rail­ings hanggang tulu­yang ma­basag ang semen­tong pi­nag­papatu­ngan nito at mahulog ang huling gulong nito sa kalsada.

Bukod sa semento at rail­ings, bumagsak din ang poste ng ilaw ng flyover kung kaya nag­dulot ito ng takot sa mga moto­rista lalo na nang makita ang kalahati ng truck ay naka­bitin sa itaas nito.

Nagkorteng numero siyete ang truck kung kaya na­hi­ra­pan ang mga awtoridad na agad na maialis sa pagkakaba­lagbag na tumagal nang halos isang oras.

Ayon kay Dulabot, nagloko umano ang transmission ng kan­yang truck kung kaya hindi niya ito naiahon lalo na nang mag­simulang umatras ito. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ALEX DULABOT

AYON

BUKOD

DULABOT

NAGIMBAL

NAGKORTENG

NITO

ORTIGAS FLYOVER

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with