^

Metro

Sa mga pampasaherong jeep, P.50 rollback sa pasahe simula sa Lunes

- Nina Angie Dela Cruz At Rose Tamayo-Tesoro -

MANILA, Philippines - Simula sa darating na araw ng Lunes, bababa sa P7.00 ang minimum na pasahe sa mga pampasaherong jeep sa Metro Manila.

Ito ay makaraang ianunsyo ni Land Transportation Fran­chising Regulatory Board (LTFRB) Chairman Alberto Suan­sing ang 50 cents na bawas sa kasalukuyang P7.50 minimum fare sa Malakanyang kasama ang mga lider ng iba’t ibang transport groups tulad ng Pasang Masda, Fejodap, Acto, Altodap at iba pang hanay ng transportasyon.

Sa isang panayam, sinabi ni Obet Martin, National President ng Pasang Masda, pabor sila sa pagbabawas na ito sa pasahe dahil ito naman anila ang ma­tagal na nilang ipinag­lalaban at ang pagbaba sa presyo ng pro­duktong petrolyo.

Ngayong mababa na anya ang pasahe sa jeep, kailangan naman anyang bumaba na ulit ang halaga ng produktong petrolyo dahil pa­tuloy naman ang pagbaba ng halaga nito sa world market.

Ngayong umaga, pormal na ihahayag ni Suansing sa LTFRB ang usapin sa fare roll­back ba­gamat nauna na itong ianunsiyo sa Malakanyang.

Inaasahan naman ng ilan na bumaba na rin ang pasahe sa mga pampasaherong bus dahil sa magaganap na fare rollback sa mga passenger jeepney.

CHAIRMAN ALBERTO SUAN

LAND TRANSPORTATION FRAN

MALAKANYANG

METRO MANILA

NATIONAL PRESIDENT

NGAYONG

OBET MARTIN

PASANG MASDA

REGULATORY BOARD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with