^

Metro

P10-bilyong North Harbor project, pinabubusisi

-

Hiniling kahapon ng grupong Philippine Association of Migrant Workers and Advocate (PAMWA) sa kongreso at senado na imbestigahan ang umano’y maanomalyang bidding ng 10-bilyong North Harbor Modernization Project.

Sa isang pulong bali­taan sa Maynila, sinabi ni Engr. Nelson Ramirez, taga­­­­pagsalita PAMWA, na isinusulong nila ang kaka­iba ngunit epektibong pa­mamaraan para isa-pri­bado ang pinakamalaking domestic port ng bansa.

Aniya, hindi dapat pa­bayaan ng gobyerno na mapunta ang pamamahala ng North Harbor sa maling kamay tulad ni Rehgis Ro­mero ng R-II Builders dahil wala naman umano itong kakayahan para i-modernized ang North Harbor.

Sinabi ni Ramirez, na siya ring presidente ng Uni­ ted Filipino Seaferers (UFS), na ang Philippine Ports Authority (PPA) ang may pina­ka-angkop na ka­kayahan para gawing mo­derno ang North Harbor batay na rin sa malawak na karanasan sa port development at management sa bansa.

Iminungkahi rin ng PAM­WA na kung gusto talaga ng gobyerno na isulong ang pagsasapri­bado sa North Harbor ay dapat sa pama­magitan ng Initial Public Offering sa Stock Exchange.   (Mer Layson)

FILIPINO SEAFERERS

INITIAL PUBLIC OFFERING

MER LAYSON

NELSON RAMIREZ

NORTH HARBOR

NORTH HARBOR MODERNIZATION PROJECT

PHILIPPINE ASSOCIATION OF MIGRANT WORKERS AND ADVOCATE

PHILIPPINE PORTS AUTHORITY

REHGIS RO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with