^

Metro

2 patay sa karambola ng 3 sasakyan

-

Dalawa ang patay, isa rito ay Korean national, samantalang halos 19 naman ang nasugatan matapos magkarambola ang tatlong sasakyan sa ibabaw ng C-5 Flyover sa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan sa lungsod ng Pasig, kahapon ng madaling-araw.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Traffic Management unit ng Pasig City Police, na­kilala ang nasawi na sina Sun Jin Doo, 24, ang Koreanong nagmamaneho ng puting Ford Expedition; at Antonia Balles­tra, 55, na pasahero naman sa isang pam­­pa­saherong jeepney.

Samantala, ang mga sugatang biktima kabilang ang sakay ng jeepney ay isinu­god sa magkakahiwalay na ospital ma­tapos ang insidente. Ayon sa ulat, na­ganap ang insidente sa may north-bound lane ng C-5 Flyover sa Bagong Ilog Pasig ganap na alas-2 ng madaling-araw.

Sakay sa Ford Expidition (XNE-115) si Doo at tinatahak ang naturang lugar patungong Makati City nang bigla itong mag-counterflow sa south-bound lane at salpukin naman ang paparating na pam­pasaherong jeepney (DVR-711)na mina­maneho naman ng isang Noel Ballestra. Ka­buntot naman ng huli ang isang Mitsu­bishi L-300 van (XME-649) na minama­neho ng isang Joel Castro kung kaya lalong nagpa-igting ng banggaan.

Dead-on-the-spot ang Koreano, habang dead-on-arrival naman sa ospital ang sakay ng jeepney na si Ballestra, habang mabilis namang isinugod sa mag­kahiwalay na ospital ang iba pang mga sugatang biktima. (Ricky Tulipat)

ANTONIA BALLES

BAGONG ILOG PASIG

BUREAU OF TRAFFIC MANAGEMENT

FORD EXPEDITION

FORD EXPIDITION

JOEL CASTRO

MAKATI CITY

NOEL BALLESTRA

PASIG CITY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with