^

Metro

Quezon City shootout: 3 holdaper bulagta

- Danilo Garcia -

Tatlong pinaniniwala­ang mga holdaper ang bu­mu­lagta makaraang maki­pag­barilan sa mga tauhan ng Quezon City police sa may Banawe sa Quezon City kahapon ng tanghali.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pa­ngalan ng mga nasawing suspect na sakay sa isang puting taxi na may plakang TYD-919 ha­bang inaalam rin kung anong grupo ka­bilang ang mga ito.

Dalawa namang ka­sa­mahan ng mga nasawi ang nagawang makata­kas sa iba’t ibang direk­syon ha­bang isang by­stander naman ang su­ga­tan ma­ka­­ra­ang ta­maan ng ligaw na bala at isinugod sa Na­tional Orthopedic Hospital.

Sinabi ni QCPD Di­rector, Chief Supt. Mag­tanggol Gatdula, naga­nap ang engkuwentro dakong alas-12:30 ng tang­hali sa kanto ng Si­ma­yon at Ma­tuto street, Banawe, ng na­­turang lung­sod. Naba­tid na isang “concerned citi­zen” umano ang tuma­wag sa District Tactical Opera­tions Center (DTOC) at isinumbong ang kahina-hinalang pag-iikot ng mga suspek sakay ng naturang taxi sa natu­rang resi­dential area sa lugar.

Agad namang rumes­ponde ang mga miyem­bro ng Special Weapons and Tactics Unit (SWAT), Dis­trict Mobile Group at Anti-Carnapping Unit sa lugar kung saan sinalu­bong umano ng putok ang mga ito ng mga suspek.

“Nang dumating yung mga SWAT natin, inuna­han na silang putukan kaya na­pilitang gumanti ang mga pulis natin. May target harden­ing kasi tayo sa area ng Banawe at Araneta Avenue dahil sa maraming mga banko dito kaya ma­bilis ang res­ponde ng ating mga pulis,” ayon kay Gatdula.

Tadtad naman ng tama ng bala ang Nissan Urvan na sinasakyan ng mga miyembro ng SWAT ngu­nit masuwerte na walang tinamaan sa mga pulis. Narekober sa mga suspek ang ilang kalibre .45 baril, ang taxi na gamit ng mga ito at isang motorsiklo.

Sinabi pa ni Gatdula na hindi tugma ang naka­kabit na plaka sa natu­rang taxi matapos na beri­pikahin sa Land Trans­portation Office.

ANTI-CARNAPPING UNIT

ARANETA AVENUE

BANAWE

CHIEF SUPT

DISTRICT TACTICAL OPERA

GATDULA

LAND TRANS

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with