Kasalang-bayan sa Caloocan pang-Guinness
MANILA, Philippines - Maaari na namang mapasama ang Pilipinas sa talaan ng Guinness Book of World Records dahil sa 2,664 magsing-irog na ikinasal sa iisang okasyon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri bilang bahagi ng pagdiriwang ng 47th Foundation Anniversary ng lungsod kasabay na rin ng pagseselebra ng araw ng mga puso.
Umaasa si Echiverri na kikilalanin ng Guinness Book of World Records ang ginanap na kasalang bayan dahil sa malaking bilang ng kan yang ikinasal na ginanap sa Glorietta, Tala, Caloocan City kamakalawa ng gabi (February 14).
Ayon sa alkalde, ang ginanap na kasalang bayan ay tulong ng kanyang administrasyon na ma ging legal ang pagsasama ng mga magsing-irog kung saan karamihan sa mga nagpakasal ay matagal na ring nagsasama at ilan na rin ang mga naging supling.
Aniya, ang pagbibigay ng libreng kasalang bayan ay isa sa prayoridad ng kanyang administrasyon dahil marami sa mga mag-asawa sa Caloocan ay hindi pa legal ang pagsasama.
Ayon naman kay City Civil Registrar Luchi Flores, bukod sa libreng kasalang bayan ay wala ring proproblemahin sa registration ang mga ikinasal dahil sinagot ng pamahalaang lungsod ang gastos dito bukod pa sa pagpapatala ng kanilang mga anak para sa mga matagal nang nagsasama bilang mag-asawa.
Samantala, pinuri naman ni Echiverri ang lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang makasaysayang kasalang bayan na ito na maaaring maging daan upang lalo pang makilala ang lung sod sa buong mundo. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending