^

Metro

Ginang timbog sa broth cubes

-

MANILA, Philippines - Hindi na nagawang maka­palag pa ng isang ginang nang damputin ito ng em­pleyado ng isang convenience store matapos na ma­ispatang nag­ nanakaw ng ilang piraso ng broth cubes sa lungsod ng Marikina kamakalawa.

Ayon kay Marikina City Police Investigation and Detective Management Section Chief C/Insp. Earl Castillo, ang suspek ay kinilalang si Marlyn de Guzman, 49, may-asawa ng Teresa St., Cubao Quezon City.

Si de Guzman ay ipiniit sa himpilan ng pulisya matapos na dalhin ng nakaarestong si Efrain Elevada, empleyado ng Easy Mart General Merchandised sa Sumulong Highway, Sto. Niño, sa lungsod.

Ayon sa ulat, nagpunta ang suspek sa nasabing tin­dahan at nagkunwaring kus­tomer kung saan kumuha ito ng ibang mga items. Pagsapit umano sa hilera ng mga pang­halo sa pagkain, pa­simpleng dumampot ang suspek ng ilang piraso ng broth cubes at itinago sa kan­yang palda. Pero nahuli siya ni Elevada. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AYON

CUBAO QUEZON CITY

EARL CASTILLO

EASY MART GENERAL MERCHANDISED

EFRAIN ELEVADA

GUZMAN

MARIKINA CITY POLICE INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT SECTION CHIEF C

RICKY TULIPAT

SHY

SUMULONG HIGHWAY

TERESA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with