^

Metro

Magkaibigan grinipuhan

-

MANILA, Philippines - Nauwi sa kalungkutan ang masayang pagdiriwang ng Valentine’s Day ng dalawang magkaibigang binatilyo nang makursundahan silang saksakin ng dalawang kalalakihang naasar umano sa kanilang porma habang pa­pauwi sa kanilang bahay sa lungsod ng Pasig kamakalawa ng hatinggabi.

Ayon kay SPO2 Rodolfo Salamangca, desk officer ng Pasig Police, ang mga biktima na pawang nasa malubhang kalagayan ay iti­nakbo sa magkakahiwalay na ospital. Ang mga ito ay kinilalang sina Roger dela Rosa, 18-anyos, binata ng 27 Almeda St., Pateros, Metro Manila; at Ronron Lozada, 17 anyos, ng 738 Mula­ win St., Napico, Brgy. Manggahan sa lungsod.

Nadakma naman agad ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Jerry Beron, 27, binata, painter ng Genesis Avenue, Brgy. Rosario; at Hernan Catalan, 25, binata, mason ng Acacia St., Napiko, Brgy. Manggahan dito.

Ayon kay Salamangca, nangyari ang insi­dente sa may kahabaan ng Yakal St., Napiko habang ang mga biktima ay papauwi na ng kanilang bahay dakong alas-12 ng hatinggabi.

Sinasabing galing ang mga biktima sa pag­liliwaliw para sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso at papauwi na nang madaanan nila ang mga suspek na nakaistambay sa lugar.

Nang makita ang mga biktima ng mga suspek ay nakursunadahan nila ang mga ito saka nilapitan at kinompronta kaugnay sa kanilang kasuotan.

Hindi pa nakakapagsalita ang mga biktima ay nagbunot na ng patalim ang mga suspek at pinagtatarakan ang mga una saka mabilis na nagsipagtakas. Nakita naman ng ilang mga residente sa lugar ang duguang biktima at itinakbo sa Pasig General Hospital at Rizal Medical Center kung saan ang mga ito ay patuloy na inoobserbahan. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ACACIA ST.

ALMEDA ST.

AYON

BRGY

GENESIS AVENUE

HERNAN CATALAN

JERRY BERON

MANGGAHAN

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with