^

Metro

Bebot lasog sa bus

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang 49-anyos na dalaga nang aksidenteng mabundol at pumailalim sa isang pampasaherong bus habang ang una ay tumatawid kahapon ng tanghali sa lungsod Caloocan .

Kinilala ang nasawing biktima na si Elizabeth Sarmiento, ng Calle Uno ng nabanggit na lungsod.

 Kusa namang sumuko at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver na si Jeruselle Nuestro, 36,   ng Santo Cristo, Angat, Bulacan.

Sa imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng tanghali sa kaha­ baan ng Gen. San Miguel Street, Barangay Sangan­daan, ng nasabing lungsod.

Nabatid na tumatawid ang biktima sa naturang lugar at hindi namalayan ang rumaragasang Sta. Rita Bus Lines na minamaneho ni Nuestro kung saan agad na nabundol ito.

Pumailalim pa ang katawan ng biktima sa bus at nagulungan pa ang magkabilang hita nito ng kanang hulihang gulong dahilan upang halos maghiwalay ang katawan ng biktima. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANGAT

BARANGAY SANGAN

CALLE UNO

ELIZABETH SARMIENTO

JERUSELLE NUESTRO

LORDETH BONILLA

RITA BUS LINES

SAN MIGUEL STREET

SANTO CRISTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with